1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Muslim at Jewish na mga botante tila lumalayo mula sa pederal na mga Liberal

Habang nagpapatuloy ang digmaan sa Gaza

Mga taong nagpoprotesta na may hawak na effigy ni Trudeau, banners at watawat ng Palestine.

Nagpakita ang mga tagasuporta ng Palestine nang paparating na si Prime Minister Justin Trudeau sa Ottawa noong Pebrero 12, 2024.

Litrato: (Patrick Doyle/The Canadian Press)

RCI

Iminumungkahi ng isang bagong poll na ang mga botanteng Muslim at Jewish ay lumalayo mula sa pederal na mga Liberal pagdating sa intensyong bumoto - isang posibleng senyales na ang pagsisikap ni Prime Minister Justin Trudeau tungkol sa digmaan ng Israel at Hamas ay nagkukulang.

Ang bagong poll tungkol sa intensyong bumoto ng Angus Reid Institute ay nagsasabi na ang pederal na New Democratic Party ay nangunguna sa mga Liberal sa mga Muslim na botante 41 porsyento laban sa 31 porsyento, habang ang pederal na Conservatives ay tinalo ang mga Liberal sa mga Jewish na botante 42 porsyento laban sa 33 porsyento.

Pakiramdam ng mga Liberal, pagdating sa kanilang outreach sa diaspora politics, ngayon ay nasa hindi kapani-paniwalang sitwasyon na sila, sinabi ni Sachi Kurl, presidente ng Angus Reid Institute, sa CBC News.

“Sinasabi ngayon ng Jewish diaspora, ‘Hindi sapat ang ginagawa niyo sa pagkondena sa Hamas at pagkondena sa karahasan at pagpigil sa antisemitism sa Canada.’ At mayroon ka naman pro-Palestinian na mga botante at populasyon, karamihan mga Muslim, na sinasabi, ‘Hindi sapat ang ginagawa niyo para ikondena ang Israeli Defence Forces para sa kanilang pag-atake sa Gaza.’”

Ipinapakita ng datos na 15 porsyento lamang ng mga Muslim na sinurvey ang nagsabi na boboto sila para sa Conservatives, habang 20 porsyento ng mga Jewish na botante ang nagsabi na susuportahan nila ang New Democrats.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Kaugnay na ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita